Thursday, December 01, 2005

when we are one..







sa panahon ngayon, na ang mga pinuno ng ating bansa ay nagbabangayan para sa kanilang mga pansariling interes, na ang ekonomiya ng ating bansa ay patuloy sa paglugmok, na ang ating piso ay patuloy sa pagbaba ang halaga.. kaylangan natin ng isang bagay na magsisilbing dingding upang tayo'y may masasandalan pa kahit sa mga panahon na ganito..

sa aking pananaw, tayo'y mapapalad dahil tayo'y binigyan ng pagkakataon na ipakita sa ating mga karatig bansa sa timog silangang asya na tayong mga pinoy ay nagkaka-isa pa rin at tayo'y may mga taong may magagandang asal, marunong tumanggap ng mga bisita at marami pang ibang magagandang katanginn ng pinoy na dapat nating ipagmalaki.

mula nobyembre 27 hanggang desyembre 5, ang pilipinas ang napiling pagtampukan ng ika 23rd sea games. bilang isang pilipino, tungkulin natin na ipagmalaki ang sariling atin, suportahan ang ating mga kababayan habang sila ay nakikipag bakbakan para lamang makapag bigay ng karangalan sa ating bayan. ang pagdarasal para sa kanilang tagumpay ay isa nang malaking bagay upang sila'y ating matulungan. ang paglabas at panonood sa kanilang mga laro, ang pagsigaw, sa saya't kalungkutan.. sa bawat pagbigkas ng ating pambansang awit.. sa bawat pawis at luha.. sa panalo at pagkatalo.. nandoon tayo, sumusuporta sa ating mga atletang pilipino.
ginto man o tanso.. o kahit walang makamit na medalya.. basta lumaban ka para sa iyong sarili, para sa bayan at para sa Diyos.. wala na tayong mahihiling pa..


kapit mga kababayan.. sa nalalapit na pagtatapos ng sea games, muli, ipakita natin sa mundo.. na IBA ANG PINOY!!!

LABAN PINOY!
ASTIG KA!!
WALA KANG KATULAD!!!

2 comments:

Anonymous said...

nice, ngayon ka lang nagka entry na tagalog ah.
very well done. :)

anyway, go team philippines.
go for more golds!!!

Anonymous said...

mabuhay ang atletang pinoy.