Sa libu-libong pagkakataon na tayo’y nagkasama, iilang ulit pa lang kitang nakitang masaya. Naiinis akong isipin na ginaganyan ka niya. Siguro ay ‘di niya lang alam ang iyong tunay na halaga…
Isa, dalawa, sampu, ‘sang libong beses? Ilang beses na nga ba siyang lumapit sa akin upang umiyak? Upang makita ko ang kanyang mga namumugtong mga mata at labis na kalungkutan sa kanyang mukha. Hayan na naman s’ya, si “Mr. Problematic”. Pero okay lang, di ba’t matalik ko siyang kaibigan?
“Wrong choice of heart”. Yun yon!!! Bakit ba naman kasi na inlove pa siya sa taong ‘di naman marunong gumanti ng pagmamahal. Siguro, mali lang ang pagkaka asinta ng pana ni Mr. Kupido. O kaya nama’y kapalaran na niya ang maihanay sa listahan nina Rizal, Binofacio at del Pilar bilang “makabagong Martir ng Bayan.”
“Hay naku, hayan na naman ako. Nagsasalita. Hanggang sa mangalay ang bibig at panga ko… wala naman yatang nakikinig…”
Marahil naghahanap siya ng isang makakasama at makakaramay. Lalo na sa tuwing magkaka roon siya ng problema. Kaylangan niya ng isang kaibigan at ‘di isang taong pinaglihi sa isang sirang plaka.
Batid kong ako lamang ang makapagpaparamdam sa kanyang ‘di siya nag-iisa. “Palagi akong naroroon”. At nais kong ipakita sa kanya na may isang taong labis na nagpapahalaga at nagmamahal sa kanya… na naririto ang kanyang tunay na kaibigan… Ngunit…
Paano ko maipaparmdam sa kanya iyon, gayong siya man ay ‘di nalalaman kung gaano siya kahalaga? Paano niya makikitang mahal ko siya, gayong bulag siya sa bagay na iyon dahil sa kanyang mahal? Dalangin kong minsang ay malaman nito ang kanyang tunay na halaga.
Siguro nga nedyo malabo ang mundo dahil…..
Binabasura lang nang iba ang siyang pinapangarap ko………
Monday, September 19, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Monroe Street Bridge opens
Earlier than expected, the much anticipated Monroe Street Bridge began a new era at about 4:40 p.m. today.
hiv home test
Post a Comment